Opinyun ko sa Holy Name University SHS; Noong wala pa ako at Nang nandito na ako sa HNU

Unang-una sa lahat, nang ako ay nag-aaral pa sa Batuan National HIgh School. Wala talaga akong plano kung saan ako mag-aaral ng Senior High School.

Isang araw, mayroong nagpunta sa School namin. Mga guro, estudyante at mga staff ng Holy Name University. Ang unang impresyon ko ay "bakit nagpunta ang isang prestihiyosong school sa aming paaralan?" Sa di kalaonan, nalaman ko na sila ay andoon para magpakita kung ano ang kanilang mga bisyon, misyon at layunin. Talagang namangha ako sa kanilang mga paraan na ginagamit para magturo, magdisiplina at maghimuk sa isang estudyante na abutin ang kanilang pangarap. Tapos ay pinakita kami ng isang bidyo na nagtataglay ng kanilang mga pasilidad at parte ng lugar sa HNU.

Sinabihan kami kung ano ang gusto naming trabaho sa hinaharap at sinabihan na ang HNU ay isang kasangkapan namin na dapat gamitin para makamtan namin ang aming mga pangarap. Dahil dito, ako ay nag-isip ng malalim at nagdesisyon. Ito ang unang desisyon na ginawa ko sa aking buhay na pinagtounan ko ng pokus halos isang araw. At sa huli, nakapagdesisyon ako na lumipat ako sa HNU at doon ko itatapos ang aking pag-aaral.

 Hindi ito isang madaling desisyon dahil marami akong dapat gawin para makapag-aral sa hnu. Unang gagawin ko ay ang paglipat ng tirahan, ako ay nakatira sa Batuan isang munisipyo ng Bohol na malayo sa lokasyon ng HNU. At iiwanan ko ang pamilya ko para ako ay makapag-aral sa HNU. Sang-ayon naman ang mga magulang ko sa aking desisyon at sinosuportaan ako nila sa aking pag-aaral. Ikalawaang gagawin ko ay paghahanap ng bagong matitirahan o boarding house at ang pagpapa-enroll sa HNU. At ang huling gagawin ko ay ang pag-aaral sa HNU.

Ito ang unang "life changing" desisyon ko na ginawa ko sa aking buhay. Salamat sa aking mga magulang sa sumuporta sa aking desisyong ito. Kung wala sila, wala akong mahuhugotan ng lakas na gawin ang desisyong ito. Palaging nasa aking isipan ang mga salitang ito " I'm going to an amazing place where many competitive students goes". Kaba at tuwa ang palaging nararamdam ko tuwing naiisip ko ang HNU.

 Hunyo 13, 2017 ang petsa ng unang araw ko sa HNU. Palaging nasa isipan ko ang " paano ko malalampasan ang mga balakid sa aking pag-aaral". Tulad ng unang impresyon ko sa aking mga bagong mga kaklase, pagpapakilala sa aking sarili, at pagkilala ng mga bagong guro. Alam ko naman na magaling talaga ang mga guro at staff ng HNU. At ang kanilang mga pasilidad ay advanced kaya ito ang prayoridad ng mga estudyante.








Hanggang ngayon, talagang nalampasan ng HNU ang mga ekspektasyon ko. HIndi ko man ito maipapaliwanag ng mabuti.
 Sa aking palagay o opinyun ang HNU ay ;

  • mayroong mga magagaling na mga guro at staff
  • mayroong advanced na mga pasilidad
  • naghihimok sa mga estudyante na mag-aral ng mabuti
  • nagtuturo ng direkta at epesyante
  • friendly na kapaligiran
  • malinis na kapaligiran
  • mayroong mga pasilidad na pwedeng gamitin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral
  • relihiyoso at ma-aruga sa mga estudyante
  • pinaprayorita ang mga estudyante
  • nagpropromote ng mabuting asal

Para sa akin, sobrang napakamahalagang eksperyens ang aking oras dito sa HNU. mayroon akong bagong nalalaman araw-araw. Tungkol sa mga subjects, asignatura at kahit sa asal. Lahat ng aspekto ay tinuturo gamit ang kanilang mga direkta at epesyinte na paraan.
Kaya, ang paborito ko na SHS ay ang HNU. Ito po ang mga opinyun ko tungkol sa HNU. "Marami tayong mga gusto sa buhay, edukasyon ang makakatulong sa atin na makamit ang mga ito". At pinili ko ang Edukasyon na binigay ng HNU.

Kaya kayo mga kaibigan? Ano ang paborito nyong SHS? kung wala, halika na.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito