Opinyun ko sa Holy Name University SHS; Noong wala pa ako at Nang nandito na ako sa HNU

Unang-una sa lahat, nang ako ay nag-aaral pa sa Batuan National HIgh School. Wala talaga akong plano kung saan ako mag-aaral ng Senior High School.

Isang araw, mayroong nagpunta sa School namin. Mga guro, estudyante at mga staff ng Holy Name University. Ang unang impresyon ko ay "bakit nagpunta ang isang prestihiyosong school sa aming paaralan?" Sa di kalaonan, nalaman ko na sila ay andoon para magpakita kung ano ang kanilang mga bisyon, misyon at layunin. Talagang namangha ako sa kanilang mga paraan na ginagamit para magturo, magdisiplina at maghimuk sa isang estudyante na abutin ang kanilang pangarap. Tapos ay pinakita kami ng isang bidyo na nagtataglay ng kanilang mga pasilidad at parte ng lugar sa HNU.

Sinabihan kami kung ano ang gusto naming trabaho sa hinaharap at sinabihan na ang HNU ay isang kasangkapan namin na dapat gamitin para makamtan namin ang aming mga pangarap. Dahil dito, ako ay nag-isip ng malalim at nagdesisyon. Ito ang unang desisyon na ginawa ko sa aking buhay na pinagtounan ko ng pokus halos isang araw. At sa huli, nakapagdesisyon ako na lumipat ako sa HNU at doon ko itatapos ang aking pag-aaral.

 Hindi ito isang madaling desisyon dahil marami akong dapat gawin para makapag-aral sa hnu. Unang gagawin ko ay ang paglipat ng tirahan, ako ay nakatira sa Batuan isang munisipyo ng Bohol na malayo sa lokasyon ng HNU. At iiwanan ko ang pamilya ko para ako ay makapag-aral sa HNU. Sang-ayon naman ang mga magulang ko sa aking desisyon at sinosuportaan ako nila sa aking pag-aaral. Ikalawaang gagawin ko ay paghahanap ng bagong matitirahan o boarding house at ang pagpapa-enroll sa HNU. At ang huling gagawin ko ay ang pag-aaral sa HNU.

Ito ang unang "life changing" desisyon ko na ginawa ko sa aking buhay. Salamat sa aking mga magulang sa sumuporta sa aking desisyong ito. Kung wala sila, wala akong mahuhugotan ng lakas na gawin ang desisyong ito. Palaging nasa aking isipan ang mga salitang ito " I'm going to an amazing place where many competitive students goes". Kaba at tuwa ang palaging nararamdam ko tuwing naiisip ko ang HNU.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Opinyun ko sa Holy Name University SHS; Noong wala pa ako at Nang nandito na ako sa HNU